Detailed lesson plan in filipino

  • CategoryDocuments

  • View90351

Report
Description
1.Banghay-Aralin sa Filipino IV Panunuring Pampanitikan I.Layunin A. Nakikilala ang maikling kwentong sa Teoryang Humanismo. B. Naibabahagi ang pagmamahal ng isang Ina. C.…
Transcript
  • 1.Banghay-Aralin sa Filipino IV Panunuring Pampanitikan I.Layunin A. Nakikilala ang maikling kwentong sa Teoryang Humanismo. B. Naibabahagi ang pagmamahal ng isang Ina. C. Nabibigyang kahulugan ang mga makabagong salita.II.Paksang Aralin A. Si Pinkaw Maiking kwentong Hiligaynon Isabelo S. Sobrevega B. Kagamitan:larawan ng mag-ina, larawan ng isang inang kinukutya, papel,ballpen,manila paper,pentel pen,pirasa,yeso. C. Sanggunian:Pluma Wika at Panitikan IV Dayag, A.M., Marasigan, E.V., Pp. 3-7.III.Pamamaraan Gawaing Guro A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagtetsek ng liban at hindi liban,pagsasaayos ng loob ng silidaralan. c. Pagbati. 1. Pagganyak Magpapakita ng larawan ng magina)Ano ang nahihinuha nyo sa unang larawan?Gawaing Mag-aaralNagpapakita po ng pagmamahal ang isang ina sa kanyang anak.Mahusay! E itong ating pangalawang larawan?Pagkutya po sa isang kawawang ina.Sa inyo bang palagay, may ugnayan ang dalawang larawang aking pinakita?Opo!Ano itong ugnayan na ito?Avah?Sa tingin ko po,sa sobrang pagmamahal nya sa kanyang mga anak, kahit anong Gawain gagawin nya para lang sa kanyang mga anak.Kaya lang po,meronsiyang naranasan na kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay kaya siya nawala sa katinuan.Magaling Avah! Ang ating aralin sa araw na ito ay may kaugnay sa mga larawang aking pinakita.handa na bang makinig ang lahat?Opo!B. Paglalahad Babasahin ang akda ng piling mag-aaral. C. Pagtalakay sa Aralin Ang ating gagawin ay pangkatang Gawain.magsama-sama ang mga magkakapangkat at bibigyan ko kayo ng ilang minuto para gawin ito. Ngayon, ang gagawin ng unang pangkat ay pagsusuring Teoryang Humanismo.(pupunta sa kanya kanyang pangkat)
2. Ikalawang pangkat-Sanhi at Bunga Ikatlong pangkat- pagkakapareho at pagkakaiba ng nanay nyo at ni Pinkaw. Ika-apat na pangkat- Sulat para sa mga nanay. D. Paglalapat Presentasyon ng bawat grupo Unang pangkat Ikalawang pangkatPapalakpak ang mag-aaral pagkatapos ng presentasyonIkatlong pangkat Ika-apat na pangkat E. Paglalahat Nasaksihan natin ang presentasyon ng bawat grupo.magaling ang inyong ipinakitang presentasyon. Ngayon, ating mas paikliin ang kanilang mga sinabi upang mas lalong maintindihan. Kung kayo ay nakinig, ang maikling kwento ay napapaloob sa teoryang Humanismo.Bakit ito ang teoryang ginamit sa sa akda?Lance?Kasi po kaya ito teoryang humanismo dahil sinasabing ang tao ang sentro ng daidig,siya ang sentro ng lahat ng bagay at ang panginoo ang kanyang kapalaran.Kung kaya’t sa kwento po, kay Pinkaw lang po umiikot ang buong istorya.Sa kanyang nakasentro ang buong pangyayari kaya ito nasa teoryang humanismo.Mahusay Lance! Tama iyon. Kung ba ga sa pelikula si Pinkaw ang bida at walang makakagaw nito sa kanyan.Yung spot light nasa kanya lang kaya ito ay nasa teoryang humanismo. At kung mapapansin nyo syempre sa buhay ng tao hindi mawawala ang problema. Kung bakit ito nangyari at kung ano ang naging epekto nito sa kanila. Pwede ba kayong magbigay ng isang sitwasyon ni Pinkaw na nagpapakita ng sanhi at bunga.Miyuki?Yun pong kinain ng mga anak ni Pinkaw na mga pagpag na pagkain. Ang sanhi po noon dahil po sa basurahan niya ito kinuha at ito ang pinapakain niya sa kanyang mga anak. Hindi niya alintana kung madumi ba ito o hindi. Dahil po dito ang nagging bunga po nito ay nagkasakit at namatay ang kanyang mga anak.Mahusay Miyuki! Yun nga, dapat ang ating kinakain ay yung siguradong malinis ang pagkakahanda. Pero hindi naman natin masisisi si Pinkaw dahil yun lamang ang kanyang nakayanan niyang ibigay sa kanyang mga anak. Ngayon naman, maari nyo bang ibahagi Sa tingin ko po ang pagkakapareho ng nanay ko pagkakaiba ng inyong Ina kay Pinkaw? at ni pinkaw, ay pareho po silang gaya ng ginawa ng pangkat ikatlo? Kevin? mapagmahal,ginagawa po nila ang lahat para lang sa kanilang anak,inaalagaan at binibigay 3. ang mga mga bagay na kaya nilang ibigay. Ang pagkakaiba naman po nila, yung nanay kop o nagtatrabaho sa palengke at yung kita nya po doon ang pinapantustus nya sa samen at sa iba pang bagay. Si Pinkaw naman po, yung ibang bagay na binibigay nya sa kanyang anak ay puro pulot po sa basura,maprinsipyo din po syang tao. Mahusay Kevin! Nailahad mo ng mabuti at nailarawan mo ng ayos ang iyong nanay. Kaya siguro puro pulot ang ginagawa ni Pinkaw sa mga binibigay nya sa kanyang mga anak ay dahil sa yung kita niya sa pagbabasura ay inilalaan nya sa ibang bagay pero para pa din ito sa kanyang mga anak. Di ba nga si Pinkaw ay isang maprinsipyong tao. Ayaw nyang umaasa sa gobyerno. Kung kaya nya pa magtrabaho, magtatrabaho talaga sya at wala syang bilib sa gobyerno.Ganyan si Pinkaw. Okay. Dumako tayo sa huli. Pwede ba kayong magbahagi ng karanasan na kasama nyo ang nanay nyo at kayo ay masaya? Haley?Ako po siguro yung pinakamaganda at masaya na pangyayari sa buhay ko kasama ang mama ko ay yun pong, pag po lagging kasali ako sa mga patimpalak andyan po siya palagi at todo suporta po sya saken. Proud po saken ang mama ko sa lahat po ng gagawin ko. Hindi lang po mama ko ang andun kundi ang hong pamilya ko po. Kaya po bilang ganti sa kanila lalong lalo na po sa mama ko,pinagbubutihan ko po ang aking pagaaral at pinapakita ko din po kung gaano ko sya kamahal.Magaling Haley! Tama yun. Yung hirap ng mga magulang natin, lalong lalo na ng mga mama natin kailangan nating suklian yun kahit na sa simpleng bagay lang. gaya ng ginagawa ni Haley. Dahil kahit ito ay simpleng bagay lang malaking bagay na ito para sa ating mga magulang. Okay. May natutunan bas a kwento ni Pinkaw?Opo!May mga katanungan ba kayo bago tayo pumunta sa pagtataya?Wala po!Mahusay kung ganun! Sana may natutunan talaga kayo. Mamaya pag-uwi nyo yakapin at halikan nyo ang inyong mga nanay maging ang inyong tatay. Magpasalamat at sabihan nyo sila ng mahal nyo sila. Malaking bagay na sa kanila yun. Ngayon naman, maghanda ng papel at ballpen para sa ating pagtataya. 4. IV.Pagtataya Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa bilog. Sintunadong boses1. 2. 3. 4. 5.V.Pag-idlip Gula-gulanit Itinatawing-tawing Nakakorton PatagulaylayNakasalawal nakabalatay bumabalani Pagtulogpunit-punitPaghagis-hagisTakdang-Aralin Magdala ng larawan ng inyong inyong Ina at isulat sa likod nito ang limang (5) magandang katangian nya na wala sa ibang Ina.